na(g)wawala

Friday, October 26, 2007

imaginary mail

dear gloria,

nakakairita ka. ang swuerte swuerte mo talaga/ang kupal kupal mo talaga. natakpan na nga ng glorietta blast ang call ng bishops para magresign ka, tapos ngayon tinimingan mo pa uli ng erap pardon ang take two ng bishops' presscon bukas. mababaon na naman yun sa balita! sana talaga may lumabas, bumaliktad sa militar, o kaya basta kahit sinong credible witness na magsasabing may kinalaman ka sa pagsabog sa glorietta para naman tuluyan ka nang matanggal sa puwesto. kung wala ka namang kinalaman dun (ayoko namang maging conspiracy theory ang lahat), nakakainis ka pa rin dahil napakasuwerte mo! masamang damo ka nga talaga siguro. tapos yang ZTE deal pa na yan na gusto mo pang aprubahan ni neri! gumagawa ka talaga ng ingay para hindi mabalit nang maayos yung mga isyu na sangkot ka. tapos yung bribery issue sa malacanang na itsapwera na rin! hay nako talaga!

takot na takot ka nga talaga sigurong makasuhan ng plunder sa 2010 (assuming matatapos mo ang term mo) kaya mo naisipan sigurong bigyan ng pardon si erap. grr. sinayang mo lang ang oras ng mga witness at ng prosecution na anim na taong ginapang ang plunder case kay erap. nalagay pa sa panganib ang mga buhay nila para lang matawid yung kasong yun tapos yan lang ang gagawin mo! isang buwan pa lang sinuyo mo na agad si erap para makascore lang sa mga taga-suporta nya! landmark case sana yun at napakasymbolic na may kaunting pag-unlad na sa justice system sa pinas, pero talaga namang nirecuperate mo lang lahat ng nirerepresenta ng guilty verdict kay erap.

sobra ka na talaga! alis ka na dyan!

-kat

0 Comments:

Post a Comment

<< Home