the final set (o ang first-hand experience ng simbolikong kapangyarihan ni ely buendia)
noong bumili ng reunion concert CD yung kapatid ko, nairita ako. ayokong pakinggan kasi maaalala ko lang na hindi ako nakapanuod. ipinangako ko sa sa sarili ko na pag nag-reunion concert uli, by hook or by crook, manunuod ako. kasi baka mamatay na lang si ely at pagsisihan ko habangbuhay. hindi ko pa kasi sila napapanuod nang live--noong unang taon ko sa UP, kaka-disband lang nila, wrong timing.
pero mas lalo lang akong nairita noong nalaman kong matutuloy nga yung final set--paano, wala naman kasi akong pera. gusto ko kasi yung VIP tiket na limang libo, saan ko naman huhugutin yun? pero dahil year of the ox ako pinanganak at taon ko ang 2009, tinamaan ako ng swerte (the world conspired, ikanga, bigla akong naniwala sa metapisika, siguro naging mabait ako nung nakaraang taon). crunchtime na nang biglaang tumawag ang kaibigan kong si lala bandang alas-onse ng umaga habang hinihintay ko ang pag-ere ng tribute ng eat bulaga kay francis m. may ekstra raw siyang tiket galing sa ate niyang bandista na hindi makakapunta dahil may gig sa hongkong. syempre, oo kaagad ako. sino ba naman ang tatanggi sa grasya? atak!
pagdating sa MOA, unti-unting bumuhos ang mga tao. sinundan namin ni lala yung mga naka-t-shirt na superproxy para malaman kung saan ang pila. may oras pa, kaya nag-take out muna kami ng hapunan sa reyes barbecue na kakainin sana namin sa loob ng concert grounds. pero pagdating sa entrance, hindi kami pinapasok dahil bawal raw magdala ng pagkain sa loob. kaya kumain na lang kami nang nakatayo, mabilisan lang, narinig na kasi namin yung host na malapit na raw magsimula ang programa. hay, the things you do only for the eraserheads!
pagdating sa loob, natuwa naman ako dahil mukhang safe ang lugar--walang mga nakakatakot na men in black (o punks, jumping jologs, skongks, among other names). ayos lang ang view, hindi VIP, hindi rin naman kulelat, kasi 3k yung halaga nung libreng tiket (naks, ang yaman). ganito, kumbaga, kung sa sunken garden ang venue, nasa bandang likod lang ang puwesto namin, may dangal naman, maaaninag nang maayos ang stage.
sakto, nung nakapuwesto na kami sa napiling strategic location, nag-flash na ang opening video sa screen: montage ng ilang interview ng banda noong MTV days--hindi ko na nga maalala yung pangalan ng mga MTV VJ na pinakitang nag-iinterview (sino pa ba yung indian bukod pa kay mike casem?). nung si sarah meier na yung nagiinterview, alam kong malapit nang matapos yung video kasi siya yung huling vJ na maayos ng MTV na natatandaan ko. tapos ayun na, nag backwards alphabetical "countdown" na--mula Z pababa sa E. pagdating sa E, ayun, narinig ko na ang intro ng Magasin at naghiyawan na ang mga tao. nakihiyaw na rin ako kasi paborito ko talaga ang Magasin, hanggang ngayon nae-LSS pa rin ako sa kantang yun lalo na sa part na may "hubad na katotohanan" na lyrics.
at nagsimula na nga ang first set. hindi ko na maalala talaga kung anu-ano yung line-up,pero isa na yung reggae version ni Marcus ng Huwag Mo Nang Itanong, na ok lang naman, pero mas gusto ko pa rin sana kung si Ely ang kumanta. Hindi ko rin maalala kung ano yung kanta nung una kong narinig yung mahiwagang salita mula kay Ely: "SING!" sabi niya. ang natatandaan ko lang, nung sinabi niya yun, kumanta nga ako. kumanta ang lahat ng katabi ko, kumanta lahat ng tao! mahiwaga, parang magic word, walang warning, bigla-bila na lang, pero nagmistulang command ang maiksing salita dahil nanggaling siya sa bibig ni ely buendia. "SING!"
mabilis lang ang first set, halos hindi ko nga naramdaman. siguro kasi nagwa-warm pa ang lahat, kinakapa pa ng banda yung audience, binibuild-up pa yung energy. pero masaya naman, nagawang mag-biro ni ely, sabi niya: "Kung may request kayo isulat nito na lang sa 1/4 sheet of paper, lengthwise, tapos pakibigay sa waiter." at huwag ka, may mga waiter nga talaga! mga nag-iikot sa loob na mga serbidora ng Mcdo at Itallianis--kung alam ko lang na may ganun nag-apply siguro kong waitress para lang makapanuod nang libre. anyway, unceremonious ang ending ng set, wala, bigla lang nagbreak.
nainis kami nang konti nung break (mga 15 minuto ang taga, nag-alala pa nga kami na baka any moment i-anawns na tinakbo na naman sa ospital si ely) kasi biglang pinalabas na lang yung mga commercial ng Smart, na siyang sponsor nung concert. naalala ko kasi na higit pa sa esensya ng reunion, mas profit-making venture ang concert na 'to. may ikinuwento pa nga sa akin si Chu nung isang araw lang: isang haka-haka na contrived yung heart attack ni ely nung unang concert, sinadya raw yung biglaang pagtatapos para mas maraming perang malikom sa final set. pero haka-haka lang naman yun, hindi ko alam kung totoo, pero syempre, posibleng may katotohan ang tsimis na yun.
second set na! binulungan ko si lala: Ayos, sabi ko, very laid-back ang dating. kasi ang set-up, parang bahay lang, may carpet at sofa. at sino ang nasa gitna na nakaupo sa sofa? sino pa, eh di si ely. kumbaga, nakapalibot sa kanya ang ibang miyembro ng banda. may hawak lang siya na acoustic guitar, nakadekwatro habang kumakanta (effortlessly), may kaunting kayabangan, dahil lumalabas nga na siya ang sentro de grabedad ng second "sala" set. unang kanta ng second set: Minsan. ang lungkot naman! pero maganda pa rin. pumasok na sa eksena yung isang sessionist mula sa bandang itchyworms, hindi ko alam kung anong relevance niya, pero nirespeto ko na lang ang presensya niya dahil inisip ko na baka kinalaingan talaga siya para saluhin yung tugtugan. ok lang may ekstra, basta wag lang mamatay si ely, hindi ba?
next song: Kailan. panalo ito, dahil nag-emo bigla si ely. (kitang kita pala na naglagay siya ng eyeliner, pati si raymond. as usual, casual lang si buddy, at wild lang si marcus). nawala ang lahat, sinolo niya ang stage, very solemn ang mood. nakatayo lang siya, nakaharap sa microphone, ang naisip ko pa nga para siyang pari na nagsesermon gamit ang kanta. mahusay ang pagkanta niya ng Kailan, siguro dahil walang distraction ng gitara. nung unang set pala, kapansin-pansin na talagang gumaling na maggitara si ely, di katulad ng dati na parang nagsa-strum lang siya, ngayon kasi may ilang kanta na parang siya yung humawak ng lead.
mas masaya talaga ang second set, kasi kumbaga sa basketball, alam mong patapos na pag second half na--mas mataas na ang stakes! ramdam sa hangin na medyo na-te-tense rin ang audience, o baka naman ako lang yun? kinakabahan kasi ako na baka bigla na lang mahimatay si ely. pero hindi naman nangyari yun, sa kabutihang palad (metapisika portion na naman ito). cooperative pati ang panahon, hindi umulan, hindi rin masyadong mainit, in fact malamig pa nga nang kaunti ang hangin). sa second set kinanta yung mga mas malumanay na kanta, yung mga mas kilig, at least para sa akin. halimbawa, yung Fine Time, na number 2 favorite eheads song ko. Yung Overdrive, sa second set rin.
kung papipiliin ng paboritong moment ng concert, siguro pipiliin ko yung Pare Ko moment. medyo may chilling effect siya--in a good way. alam kasi ng lahat ng tao yung kanta, parang national anthem, kinilig ako. at hindi ko alam kung fantasy production ko lang yun pero parang masaya rin naman si Ely nung kinakanta yung Pare Ko. Narinig ko na naman yung "Sing!" mula kay Ely sa kalagitnaan nung kanta, pero sa totoo kahit hindi pa niya sinabi yun kakanta pa rin naman yung mga tao. Lahat ng tao, yung TANGINA version yung kinanta, walang nagpaka-conservative, hehehe. dagdag pa, may binagong lyrics si ely, dinagdagan ng "magaling ka na sa kama" at saka ginawang "asawa" yung "syota," sintomas siguro na mas mature na nga naman ang Eheadsfast, eh kasi naman trenta anyos na ata sila.
as expected, may mailing tribute kay Francis M. kinanta nina Ely yung unang berso ng Kaleidoscope World habang finaflash yung mga iconic photos ng Man from Manila. hindi na "SING!" ang moda ni Ely, ang order niya, "I want you to dance for Francis M!" sayaw naman ang mga tao, wild! fast forward: alam siguro ng lahat ng tao na last song yung Huling El Bimbo. so ayun, Huling El Bimbo na, tapos kalagitnaan, nagkaroon na ng confetti, kasabay ng fireworks. naloka nga ako, hindi ko alam kung saan titingin, kung sa confetti ba o sa fireworks. nagfocus na lang ako sa stage nung may symbolic chuva na ng pagsunog ng piano, kung saan talagang pinanindigan na ni Ely yung pagiging Rock God niya. sinabuyan ng kung anumang alkohol o gaas ang piano, sinindihan, at habang lumiliyab, nag-piano pa nang kaunti. nanunuod lang ako, in a state of trance/awe. namangha ako, to say the least.
nag-final bow na yung apat, na ininterpret ko bilang senyales na bati-bati na sila, friends na uli. Bow, kaway, ba-bay na. Nag-flash sa screen yung mukha ng ilang celebrity na nanuod kabilang si Anne Curtis, Tim Yap, Wendell Ramos, Jericho Rosales (na sobrang gwapo), saka ilang mga bandista.
so ayun tapos na. naglakad na kami ni Lala papunta sa exit. but wait--there's more.
nung malapit na kami sa labasan, narinig namin ang boses ni Ely: "Ano, gusto niyo pa?" ano raw? may kaunting confusion. inulit pa niya: "Gusto niyo pa ba? Sige." for that, dahil nagsalita muli ang Diyos, kumaripas kami pabalik. "Sige, three for the road." Sabi ni Ely, as if that was the most natural thing to say. and the crowd went wild!
ang three for the road: Ligaya, Sembreak, Toyang. sa kalagitnaan ng Sembreak, bumaba si Ely, nakipagkamay sa mga tao. syempre, hindi pwedeng bumaba sina Raymund, Marcus, at Buddy, kasi nga naman may hawak silang mga instrumento. pero hindi ba parang assertion yun na talagang si Ely=Eraserheads? nung paakyat sa stage, natuwa ako dahil nilaglag ni Ely si Tim Yap bilang poser. diba kabisado naman nating lahat yung Penpenpen de sarapen...na lyrics ng Toyang? tinapat ni Ely yung mikropono kay Tim Yap sa part na yun, pero natameme si Tim Yap. Che! buti nga na-expose lang siya, ang cheap naman kasi ng konsepto ng eventologist. ang galing diba, may semblance pa rin ng pagka-gago si Ely, tulad nung ginawa nila dati na slow-mo na pagkanta sa Sang Linggo na po Sila saka nung ang gago lang nila sumagot nung nag-guest sila noon sa Today With Kris.
tapos na ang Toyang, nagpaalam na uli ang Eheads, tapos may mga tanga lang na humihirit pa ng encore. mga gago lang, nag-cha-chant ba naman ng "Walang aalis, walang aalis..." nakakairita diba,ano ba yun gusto ba nilang maatake na naman sa puso si Ely? buti nga, hindi sila pinagbigyan, at finally, natapos rin ang gabi ng nostalgia.
Nostalgia. yun na siguro ang salitang magandang gamitin para sumahin ang lahat ng naganap sa final set, kasi ano pa nga ba yun kung hindi selebrasyon ng Nostalgia, with a capital N? panandaliang aliw, ilang oras ng eskapismo, temporary relief, ikanga, parang yung sinasabi nila tungkol sa termino ni Obama. masaya ako na napanuod ko ang huling tugtog ni ely bilang bokalista ng Eheads--sana nga hindi na sila magreunion uli at panindigan nila yung Final sa final set, kasi mawawalan ng sentimental value ang lahat lahat kung gagawin pa nila yun, diba.
tatapusin ko na lang itong mahabang naratibong ito nang walang drama, tulad ng ginawang ending nina ely: no frills, basta umexit na lang, tenkyu, kami ang eraserheads, good night.
Labels: ely buendia, eraserheads, final set, symbolic power